Saturday, February 22, 2014

IV. Bakit mo ito napili?

Pinili ko itong sibilisasyon na ito dahil marami akong natutunan dito at kakaiba itong sibilisasyon na ito dahil nirerespto nila ang mga kababaihan. :')

III. Ambag sa Kasaysayan

A. Edukasyon 
Nakalikha ng sistema ng pagsulat ang mga taga-Ehipto noong 3200 BCE. Mayroon itong anyong piktograpiya(pictograph) na kilala sa tawag na hiroglipiko(hieroglyphics) na nangunguhulugang sacred carvings.

B. Medisina
Ang mga taga-Ehipto ay nakapaglimbag ng kauna-unahang aklat na medikal. Ang aklat ng "Paggamot ng mga Sakit"(salin). Napapaloob dito ang mga sakit at mga karampatang lunas. Ipinapakita nito na may kaalaman ang mga Ehipto sa istruktura ng katawan.

C. Ekonomiya
Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan. Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipto. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.

D. Sining
Mataas ang antas ng sining sa Ehipto tulad ng arkitektura. Mahusay na halimbawa nito ang pag-ukit sa malaking bato upang makahubog ng mga pigura tulad ng Great Sphinx, Pyramid of Giza, Obelisk at ang pag-ukit sa maliit ba estatwa ng mga hari at banal na hayop mula sa mga tanso, bronse, bato at kahoy.


E. Agham
Ang kaalaman sa wastong pagsukat sa sistema ng matematika ay utang ng mga makabagong sibilisasyon sa mga taga-ehipto. Pinaunlad ng mga egyptian ang pabilang ng ginagamitan ng numerong sampu(10). Sila rin ang nakaimbento ng kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.
Mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu.

F. Pamahalaan
Ang anyo ng pamahalaan sa sinaunang Ehipto ay Teokrasya na ibig sabihin ay "pamunuan ng diyos". Sa ganitong anyo, magkasanib ang kapangyarihan ng simbahan, estado at ang paraon na namumuno sa dalawang institusyong may kapangyarihan maka-diyos.

II. Pamayanan

Ang uri ng tao na nakatira dito ay paraon, isang hukbong militar o makapangyarihan.

A.) Pamahalaan - Teokrasya, karapatan o kakayahan ng mga pari na tumulong sa pamamahala sa isang bansa.

B.) Hanapbuhay - Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng barley, trigo, at mga gulay.

C.) Ekonomiya - Pangkalakalan ng tanso, bronse at iba pa. Manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.

D.) Kultura - Pagmamayari ng ari-arian ang mga kababaihan sa Ehipto at natamas nila ang karapatang panlipunang hindi tinatamasa ng ibang tao nang panahong iyon.

E.) Relihiyon - Aton, pagsasamba ng mga Egyptian sa maraming diyos.
F.) Paniniwala - Paniniwala sa maraming diyos o makapangyarihan na may maladiyos ang Paraon.

Egypt: Ang Unang Sibilisasyon sa Africa

I. Heograpiya

Ang Egypt ay may sakop ng parihabang teritoryo sa may hilangang silangang bahagi ng kontinente ng Africa sa pagitan ng 22 at 32 paralle ng latitude. May lawak ito na humigit-kumulang sa 386 900 milya kwadrado(1002 km kw) at nahahanggahan ng Libya sa kanluran, Sudan sa timog at Israe sa hilagang silangan.

Dito rin makikita ang makasaysayang Ilog Nile ay dumadaloy sa Silangang sankatlong(1/3) bahagi ng bansa. Ang Ilog Nile ay itinuturing na pinakamahabang ilog sa daigdig ay naging mahalaga sa buhay ng mga tao sa mga lambak na may habang 4150 milya.

Hinahati ng Ilog Nile sa dalawang bahagi ang madisyertong talampas sa Egypt -- ang kanlurang Disyerto o Sah ra Al-Gharbiyah na nasa pagitan ng Ilog Nile at Libya at ang Silangang Disyerto O Sahra' ash-Sharqiyah na sumasakop sa Kanal Suez, Gulpo ng Persia at Red Sea.