Saturday, February 22, 2014

Egypt: Ang Unang Sibilisasyon sa Africa

I. Heograpiya

Ang Egypt ay may sakop ng parihabang teritoryo sa may hilangang silangang bahagi ng kontinente ng Africa sa pagitan ng 22 at 32 paralle ng latitude. May lawak ito na humigit-kumulang sa 386 900 milya kwadrado(1002 km kw) at nahahanggahan ng Libya sa kanluran, Sudan sa timog at Israe sa hilagang silangan.

Dito rin makikita ang makasaysayang Ilog Nile ay dumadaloy sa Silangang sankatlong(1/3) bahagi ng bansa. Ang Ilog Nile ay itinuturing na pinakamahabang ilog sa daigdig ay naging mahalaga sa buhay ng mga tao sa mga lambak na may habang 4150 milya.

Hinahati ng Ilog Nile sa dalawang bahagi ang madisyertong talampas sa Egypt -- ang kanlurang Disyerto o Sah ra Al-Gharbiyah na nasa pagitan ng Ilog Nile at Libya at ang Silangang Disyerto O Sahra' ash-Sharqiyah na sumasakop sa Kanal Suez, Gulpo ng Persia at Red Sea.

No comments:

Post a Comment