Saturday, February 22, 2014

III. Ambag sa Kasaysayan

A. Edukasyon 
Nakalikha ng sistema ng pagsulat ang mga taga-Ehipto noong 3200 BCE. Mayroon itong anyong piktograpiya(pictograph) na kilala sa tawag na hiroglipiko(hieroglyphics) na nangunguhulugang sacred carvings.

B. Medisina
Ang mga taga-Ehipto ay nakapaglimbag ng kauna-unahang aklat na medikal. Ang aklat ng "Paggamot ng mga Sakit"(salin). Napapaloob dito ang mga sakit at mga karampatang lunas. Ipinapakita nito na may kaalaman ang mga Ehipto sa istruktura ng katawan.

C. Ekonomiya
Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan. Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipto. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.

D. Sining
Mataas ang antas ng sining sa Ehipto tulad ng arkitektura. Mahusay na halimbawa nito ang pag-ukit sa malaking bato upang makahubog ng mga pigura tulad ng Great Sphinx, Pyramid of Giza, Obelisk at ang pag-ukit sa maliit ba estatwa ng mga hari at banal na hayop mula sa mga tanso, bronse, bato at kahoy.


E. Agham
Ang kaalaman sa wastong pagsukat sa sistema ng matematika ay utang ng mga makabagong sibilisasyon sa mga taga-ehipto. Pinaunlad ng mga egyptian ang pabilang ng ginagamitan ng numerong sampu(10). Sila rin ang nakaimbento ng kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.
Mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu.

F. Pamahalaan
Ang anyo ng pamahalaan sa sinaunang Ehipto ay Teokrasya na ibig sabihin ay "pamunuan ng diyos". Sa ganitong anyo, magkasanib ang kapangyarihan ng simbahan, estado at ang paraon na namumuno sa dalawang institusyong may kapangyarihan maka-diyos.

1 comment: